DAR, BJMP sa Soccsksargen, nag-partner para labanan ang kahirapan, kagutuman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagsanib pwersa ang Department of Agrarian Reform (DAR) at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Soccsksargen para sa misyong malabanan ang kagutuman at kahirapan.

Kasunod ito ng nilagdaang marketing agreement sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) program.

Sa naturang kasunduan, ang mga agrarian reform beneficiary (ARB) ang nagsusuplay ng mga gulay at iba pang produkto na kailangan para masuportahan ang feeding program at community meals ng Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ayon kay Regional Director Mariannie Lauban Baunto, ito na ang ikatlong taon ng DAR-BJMP partnership sa rehiyon na nakapaghahatid ng financial security sa ARBs.

Nagpasalamat naman sa DAR si BJMP XII Regional Director J/CSupt Leo Baldon para sa muling partnership dahil tinitiyak nito ang mabuting kalusugan at pangkalahatang kagalingan ng mga PDL.

“Naniniwala kami na tulad ng mga nakaraang taon, ang pagbibigay ng masustansiyang pagkain sa mga PDL at pagsuporta sa pamumuhay ng mga magsasaka ay ating makakamit,” ani Baldon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us