Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. bilang Special Envoy of the President to the Republic of China for Special Concerns.
“It’s to boost bilateral relations between the two countries.” —Secretary Garafil.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Secretary (PCO) Cheloy Velicaria – Garafil ngayong hapon.
Bago ang appointment na ito, nagsisilbi na rin bilang Philippine Ambassador to UK si Locsin. Itinalaga ito ni Pangulong Marcos noong Setyembre, 2022.
“Yes, he is on a concurrent capacity.” —Secretary Garafil.
Kung matatandaan, una na rin itong nagsilbi bilang kalihim ng DFA sa ilalim ng Duterte Administration.| ulat ni Racquel Bayan