Dating Pangulong Duterte, ibinahagi kay Pangulong Marcos ang naging pulong kay Chinese President Xi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumungo sa Malacañang ngayong gabi (August 2) si dating Pangulong Rodrigo Duterte, upang ibahagi kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang naging usapan nila ni Chinese President Xi Jinping sa Beijing, China.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, ngayong gabi.

Ayon sa kalihim, sa nasabing pulong natalakay rin nina Pangulong Marcos ang iba pang usapin.

Habang ginamit rin ni dating Pangulong Duterte ang pagkakataon, upang magbigay ng ilang payo kay Pangulong Marcos.

“Former President Rodrigo Duterte went to see President Ferdinand R. Marcos Jr. to talk to him about his recent meeting with Chinese President Xi Jinping in China. They also discussed other issues. The former President likewise gave some good pieces of advice to President Marcos.” —Secretary Garafil.

Malugod na sinalubong ni Pangulong Marcos ang dating pangulo sa Palasyo.

Present rin sa kaganapan sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Anton Lagdameo, Defense Secretary Gibo Teodoro, Senator Christopher Go, at dating Executive Secretary Salvador Medialdea.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us