DBM, idinepensa ang panukalang travel expenses ng Office of the President na nagkakahalaga ng 1 bilyong piso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idinepensa ng Department of Budget and Management (DBM) ang aabot sa P1.148 bilyon na panukalang budget ng Office of the President bilang travel expenses.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, tumaas ito kumpara sa nakalipas na panahon bunsod na rin ng epekto ng COVID-19 pandemic kung saan, sarado ang ekonomiya ng buong mundo.

Paliwanag pa ni Pangandaman, bahagi ng gastusin ng OPS na kukunin sa nasabing pondo ay para sa State Visits ng Pangulo gayundin ang pagsasagawa ng roadshows.

Karaniwan aniyang naiimbitahan ang Pangulo ng ibang bansa sa State Visits at nagiging pagkakataon nito para matulungan ang ekonomiya ng bansa sa mga mamumuhunan dahil sa pagpasok ng maraming negosyo.

Habang sa roadshows naman, nakakasama ng Pangulo ang miyembro ng kaniyang economic team upang i-promote ang bansa sa mga potensyal investors

Dahil dito, naniniwala si Pangandaman na kailangang masuportahan ang mas maraming pamumuhunan at trabaho para sa mga Pilipino kasunod ng pagbubukas ng ekonomiya

Magugunitang naisumite na ng DBM sa Kongreso ang panukalang Php 5.768 trilyong piso sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program o Pambansang Budget. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us