Department of Foreign Affairs, nanawagan sa China na sundin ang international law  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Department of Foreign Affairs sa bansang China na sundin nito ang International Law, kabilang na ang 1982 United Nations Convention on Law of the Sea at ang 2016 arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration.

Sa joint press briefing ng National Task Force on West Philippine Sea kaninang hapon, sinabi ni DFA Spokesperson Teresita Daza na ipinaabot ni DFA Undersecretary Ma. Theresa Lazaro Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang matinding pagprotesta ng Pilipinas sa pagharang at pambobomba ng water cannon ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese maritime militia vessels sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng regular rotation, resupply, at humanitarian mission upang magbigay ng pagkain at iba pang mga pangangailagan sa mga military personnel na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi rin ng DFA na ang ginawa ng China ay labag rin sa obligasyon nito sa ilalim ng 1972 International Regulation for Preventing Collissions at Sea na nag-oobliga na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang tiyakin ang kaligtasan sa dagat at maiwasan ang mga banggaan.

Iginiit rin ni DFA Undersecretary Ma. Theresa Lazaro sa nangyaring pagpapatawag sa kanyang Chinese Counterpart na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas, kung saan may hurisdiksyon at sovereign rights ang bansa.

Nanawagan rin ang DFA sa China na tigilan na ang iligal na mga aktibidad ng mga barko nito sa mga barko ng Pilipinas at huwag pakialaman ang mga aktibidad na ginagawa ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay aabot na sa 445 ang inihaing diplomatic protests ng Pilipinas laban sa China mula noong 2020, kung saan 35 sa mga ito ay inihain ngayong taon. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us