Inanyayahan ng Department of Education o DepEd ang lahat na makiisa sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2023.
Ito ay kasunod ng ginanap na national kick-off program ngayong araw sa Tarlac National High School.
Ang Brigada Eskwela ay isang nationwide school maintenance program katuwang ang lahat ng education stakeholders sa bansa sa paglalaan ng kanilang oras, pagsisikap, at pagbibigay ng resources upang masiguro na handa ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa sa pagbubukas ng klase.
Kaugnay nito ay inimbitahan ng DepEd ang publiko ng makiisa sa Brigada Eskwela 2023 na isasagawa simula August 14 hanggang August 19 na may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan.”
Nauna rito ay opisyal nang inanunsyo ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2023 – 2024 sa August 29, 2023.
Habang sinimulan na rin ngayong araw ang enrollment sa mga pampublikong paaralan na tatagal hanggang sa August 26.
Ayon kay DepEd Spokesperson Undersecretary Michael Poa, inaasahan nilang tataas ang bilang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paraalan ngayong school year sa 28.8 milyon mula sa 28.7 milyon noong nakaraang school year. | ulat ni Diane Lear