Tiniyak ng Department of Education na magkakaroon ng quality control sa mga learning materials ng mga mag-aaral sa ilalim ng MATATAG Curriculum upang masiguro na walang magiging ‘error’ sa nilalaman ng mga materyal.
Ayon kay Bureau of Learning Resources Director Ariz Cawilan, bumubuo sila ng mga learning resource mediators na magsisiguro na pasok sa curriculum ang nilalaman ng learning materials.
Titignan rin ng nasabing team kung language-appropriate at age-appropriate ang nilalaman ng learning materials.
Nakatakda naman makipagpulong bukas ang Bureau of Learning Resources sa mga publisher upang talakayin ang mga detalye hinggil sa produksyon, development, quality assurance, at disenyo ng mga textbooks para sa mga Grades 1, 4, at 7 upang masimulan na rin ng DepEd ang pag-procure sa mga bagong textbook sa susunod na taon. | ulat ni Gab Villegas