Pinayuhan ni Deputy Speaker Ralph Recto ang mga botante lalo na sa mga barangay, na piliing mabuti ang ihahalal na mga opisyal sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Punto ng Batangas solon sa taong 2024, mayroong Internal Revenue Allotment (IRA) ang nasa 41,953 barangays na P174.27 billion.
Maliban dito, ang SK ay mayroong 10% mula sa barangay fund o ibig sabihin P17 billion na pondo para sa lahat ng SK sa buong bansa.
Para kay Recto importanteng bahagi ng voters’ education, na maipaalam sa mga botante ang budget na matatanggap ng mga barangay.
Paalala nito na ang barangay ang frontline government agency, kaya’t hindi dapat maliitin ang mahalagang katungkulan na ginagampanan nito.
Ang pinakamaliliit kasi aniya na isyu, problema at pangangailangan sa komunidad ay unang tinutugunan ng barangay.
“There are 175 billion reasons as to why the electorate should choose their village leaders well. They are the true first responders. Whether it is bag snatching, fire, garbage, loose pets, loud videoke noise,” sabi ni Recto | ulat ni Kathleen Forbes