Desisyon ng SC hinggil sa Makati-Taguig dispute, nagresulta sa mas malawak na scholarship para sa EMBO students

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang isang dating opisyal ng pamahalaan na isa ang Innovative Education Program ng Taguig City sa pakikinabangan ng husto ng mga estudyante ng EMBO barangays.

Ito nga ay matapos magdesisyon ang Supreme Court na bahagi na ng Taguig ang mga nasabing barangay.

Ayon kay JV Arcena, dating Assistant Secretary for Special Concerns and International Press Secretariat, kumpara sa Makati City na nag-aalok ng scholarship sa top 10% lamang ng kanilang estudyante, sa Taguig City ay nag-aalok ng oportunidad sa lahat ng estudyante at hindi hadlang kung anuman ang kanilang academic achievements.

Sa kanyang column na Unorthodox ay tinuring ni Arcena na “Game Changer” ang alok na scholarship ng Taguig.

Ang tinutukoy ni Arcena na programa ng Taguig ay ang alok na “flexible” scholarship kung saan nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng financial assistance sa mga estudyante na mula sa halagang ₱15,000 hanggang ₱110,000 kada taon depende sa nais na scholarship ng estudyante.

Isa sa nakinabang sa scholarship ng Taguig ay ang De La Salle University student na si Briann Sophia Reyes.

Sa kanyang Facebook post pinakampante ni Reyes ang mga magulang mula sa 14 EMBO schools na may agam-agam para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Aniya, maraming balisa kung ano na ang kasunod sa paglipat sa Taguig ngunit sya mismo ang makapagpapatotoo sa mga natanggap niyang benepisyo sa kanyang pag-aaral. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us