Desisyon ng SC sa territorial dispute ng Makati at Taguig, tanggap na ng ilang mga apektadong sektor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nakikitang problema ang mga school principal ng 14 na Enlisted Men’s Barrio(EMBO) schools na ngayon ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City sa pagbubukas ng 2023-2024 school year sa August 29 kasunod ng maayos na paglulunsad ng Brigada Eskuwela kung saan nakiisa ang mga estudyante, guro, mga magulang, alumni, at iba pang external stakeholders.

Ayon kina Makati Science High School Principal Dr. Felix Bunagan at West Rembo Elementary School Principal Alma Adona naging matagumpay ang paglulunsad ng Brigada Eskuwela sa kanilang paaralan sa tulong na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Nagpaabot ng pasasalamat ang dalawang school principal kay Mayor Lani at sa Taguig volunteers sa naging suporta sa Brigada Eskwela na sinimulan noong August 14 at magtatapos sa August 19.

Naging mainit din ang pagtanggap ng Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School, at South Cembo Elementary School sa mayora at sa mga volunteers ng Taguig.

Sa Tibagan High School ay nag-viral din ang video na nagpapakita ng mainit na pagtaggap ng mga estudyante sa alkalde na sinabayan pa ng ng estudyante ng pagtawag sa pangalan nito.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us