Sinabi ni Senadora Imee Marcos na dapat nang madaliin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) na mahingan ng paliwanag ang kanilang Chinese counterpart para sa hindi nararapat at malinaw na iligal na pangsasaboy ng tubig sa ating Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal.
Ginawa ni Senadora Imee ang pahayag na ito kassabay ng pagkondena sa panibagong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Binigyang diin ng senadora na ang Pilipinas at China ay kapwa lumagda sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagtataguyod ng konsepto ng sovereign rights o karapatan sa soberanya sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.
Dinagdag rin ng mambabatas na dapat tiyakin na ang ating coast guard ay maaarmasan ng mahuhusay na pangdepensa para hindi na gaanong umasa sa mga dayuhang bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion