Inumpisahan na ng Department of Foreign Affairs ang soft launch ng electronic visa sa isang consular office sa Shanghai at inaasahang ilulunsad na rin sa iba’t ibang Philippine Foreign Service Post sa China.
Ayon kay DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr. ang naturang electronic visa ay sumailalim sa pagsusuri ng beta kaya naman ligtas ang mga datos ng bawat turistang tutungo sa Pilipinas.
Ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, positibo ang kanyang pananaw sa inilunsad na e-visa dahil sa mas makakapang-akit pa ito ng karagdagang dayuhang turista ‘di lamang sa China maging sa ibang panig ng mundo. | ulat ni AJ Ignacio