DFA, kinumpirma ang pagkasawi ng isang Pinoy sa wildfire sa Hawaii

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang Pilipino sa pagsiklab ng matinding wildifire sa Hawaii.

Kinilala ni DFA Office of Migration Affairs Undersecretary Eduardo de Vega ang biktima na si Alfredo Galinato, 79 na taong gulang.

Pero paglilinaw ni USec. de Vega, si Galinato ay isang naturalized US Citizen na tubong Ilocos.

Dahil dito, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Konsulada ng Pilipinas sa Honolulu upang magbigay ng kaukulang tulong.

Batay sa datos ng DFA, may mahigit 200,000 Pilipino ang kasalukuyang nasa Hawaii subalit kalahati sa mga ito ay pawang mga US citizen na. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us