Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko laban sa mga naglipanang website na umano’y nagpo-proseso para makakakuha ng Philippine e-Visa.
Ito ay matapos may kumalat na ulat na may isang website na naglalaman ng misinformation hinggil sa e-Visa at iba pang mga regulasyon ukol dito.
Nilinaw ng DFA na tanging sa mga official channel nito lamang sila naglalabas ng mga impormasyon hinggil sa Philippine e-Visa.
Nauna na ring sinabi ng DFA na ang soft-launch ng Philippine e-Visa ay nakatakdang gawin sa mga Philippine Foreign Service Posts sa China sa August 24.
Kasalukuyan pa ring binubuo at pinipino ang Philippine e-Visa system sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT). | ulat ni Gab Villegas