DHSUD, aaralin ang sushestiyong magkaroon ng government agency na tututok sa pagpapatayo ng low-cost housing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa suhestyon ni Albay Representative Edcel Lagman, na magkaroon ng isang hiwalay na ahensya ang pamahalaan na siyang tututok sa pagpapatayo ng low-cost socialize economic housing.

Sa budget briefing ng DHSUD, inamin ni Acuzar na mayroon pang kabagalan sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan, dahil sa may alinlangan ang mga contractor at developer na pumasok sa proyekto.

Ito ay dahil sa pangamba na hindi mabayaran ang interes.

“Yung 1 million a year in the first year of the program, mabagal yan. Kasi lahat po ng developer at contractors, procurement ang problema namin. At saka yung developers, contractors nagwe-wait and see because of the interest subsidy. Ngayon po na binigyan niyo kami ng interest subsidy, tatapang na po ang mga negosyante at developers na tumaya at magtayo po ng pabahay.” ani Acuzar.

Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, binigyan ng P1.257 billion ang DHSUD para sa interest subsidy maliban pa sa P7.54 billion na unprogrammed appropriations.

Dahil dito, sinabi ni Lagman, na dahil gobyerno rin naman ang nagbabayad sa joint venture ng pamahalaan at pribadong hanay para sa pabahay ay magtatag na lang ng isang non-profit government agency na siyang magtatayo ng low-cost housing projects.

“…So that you will not be anymore be captured by the profit orientation of private developers and entrepreneurs….at the end of the day gobyerno rin ang nagfi-finance nito e. Why not create an agency which is non-profit to solely construct socialize economic housing projects.” tanong ni Lagman.

“Baka pwede nating pag-aralan…kasi tamang tama po yung idea nyo sir na meron pong binigay ang presidente sa EO [34] yung idle land. Malaking bagay po yung idea. Pag-aaralan po namin sir baka pupwede po na magkaroon tayo ng ganyang programa.” tugon ni Acuzar.

Mula 2024 hanggang 2026—target ng DHSUD na matapos ang nasa 260 housing project na may kabuuang 410,327 units, kung saan 72,810 na units ang matatapos ang pagpapatayo sa initial phase. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us