DHSUD, humirit ng ₱15-B na dagdag pondo para sa 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Department of Human Settlements and Urban Development Sec. Jose Rizalino Acuzar na madagdagan ang kanilang budget para sa susunod na taon.

Sa kasalukuyang 2023 budget ay mayroong P4.6 billion na pondo ang ahensya habang sa 2024 National Expenditure Program—P5.404 billion ang kanilang panukalang pondo.

Malayo sa orihinal na P115.9 billion na proposal.

Dahil dito, apela ng DHSUD ang nasa halos P15.9 billion na dagdag pondo para sa ahensya at kanilang key shelter agencies.

Bahagi nito ang dagdag na P50 million para sa imbentaryo ng ‘idle government lands’ na maaaring matayuan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH salig sa EO 34.

Ang National Housing Authority, may hiling na dagdag na P2.6 billion, P1.6 billion para sa housing assistance program for calamity victims at P985 million para sa mga informal settler families na nakatira sa danger zones.

Samantala, malugod na ibinalita ni Assistant Secretary Avelino Tolentino na sa unang taon ng Marcos Jr. administration ay nakapagpatayo na ng 165, 498 housing units kung saan 94% ay socialized, low-cost at/o economic housing. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us