DHSUD, ikinatuwa ang pagsuporta ni First Lady Liza Araneta Marcos sa rehabilitasyon ng Pasig River

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagsuporta ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa rehabilitasyon ng Pasig River.

Sinabi ni Acuzar na malaking tulong umano ito sa pagsisikap ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD) para sa malawakang rehabilitasyon na sumasaklaw din sa relokasyon ng libu-libong pamilyang informal settler.

Ang rehabilitasyon ng Pasig River aniya ay kabilang sa tatlong priority advocacies ng Unang Ginang, habang ang dalawa pa ay edukasyon at pinahusay na access sa de-kalidad na healthcare.

Dahil sa pagpapalabas ng Executive Order 35 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang buong suporta ng Unang Ginang, lalo pa raw mapapabilis at mapapaganda ang pagbuhay muli sa Pasig River.

Kasama ang ibang departamento ng gobyerno sa ilalim ng IAC-PRUD, sisikapin pa ng DHSUD na matupad ang pagtingin ng Pangulo at ng Unang Ginang. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us