DILG, inatasan ang LGUs, PNP, BFP na suportahan ang Balik-Eskwela sa August 29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) na suportahan ang Balik Eskwela ng Department of Education sa August 29.

Sa isang memorandum, hinikayat ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga LGU na pangunahan ang pagpapatupad ng Bantay Peligro upang matiyak na magkakaroon ng ligtas at mapayapang kalagayan sa mga eskwelahan.

Ani Abalos, dapat nang paganahin ang mga Local Peace and Order Council (LPOC) para sa action planning tulad ng pagtukoy sa potential risk and hazards sa mga school zone.

Pinagde-deploy din ang mga LGU ng law and traffic enforcers, barangay tanods, medical personnel, at force multipliers.

Pinaglalagay din ng close-circuit television (CCTV) cameras ang mga school zone upang ma-monitor ang sitwasyon.

Inatasan din ni Abalos ang PNP, na makipag-ugnayan sa mga LGU para sa pagdaragdag ng ipapakalat na pulis sa school premises at pagtatatag ng police help desks.

Pinaghahanda naman ang BFP ng tulong sakaling magkaroon ng emergency situations patungkol sa kaligtasan ng publiko. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us