Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP), at ang Bureau of Fire Protection (BFP) na suportahan ang Department of Education sa balik-eskwela sa susunod na linggo, August 29.
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na mahalagang maiprayoridad ang ligtas at maayos na pagbubukas ng klase para sa mga estudyante, mga magulang at mga guro.
“Peace and order are paramount priorities in Balik-Eskwela 2023. To our LGUs and law enforcement units, be vigilant and be on your toes to ensure the safety of our students, parents, and teachers ngayong pagsisimula ng pasukan,” ani DILG Secretary Benhur Abalos.
Kaugnay nito, naglabas na ng memorandum ang DILG na nanghihikayat sa mga LGU na iconvene ang kanilang Local Peace and Order Council (LPOC) para matiyak ang security measures sa pasukan.
Pinatitiyak din nito na may sapat na idedeploy na law at traffic enforcers, barangay tanods, medical personnel, at iba pang force multipliers; at maginstall din ng mga close-circuit television (CCTVs) cameras sa paligid ng mga eskwelahan.
Samantala, inatasan naman ang PNP na makapag-ugnayan sa Bantay Peligro ng LGUS at palakasin ang police visibility sa school premises at gayundin ang mga police help desks sa school zones.
Ang BFP naman ay pinaghahanda rin para agarang rumesponde sa anumang emergency situation sa mga paaralan. | ulat ni Merry Ann Bastasa