DILG, pinuri ang PNP at iba pang security forces sa matagumpay na opening ceremonies ng FIBA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang Philippine National Police (PNP) at ang iba pang security forces sa mapayapang pagbubukas ng 19th FIBA ​​Basketball World Cup 2023 sa Philippine Arena noong Biyernes.

Tiniyak ng kalihim na mananatiling nakatutok ang pulisya sa seguridad sa FIBA ​​hanggang matapos ang mga laro at makaalis sa bansa ang pinakahuling atleta.

Base sa ulat ng PNP, nasa 2,589 pulis mula sa NCRPO, 363 mula sa Police Regional Office 3, at 2,904 pang personnel mula sa iba pang ahensya ng gobyerno at force multipliers ang naka-deploy sa critical areas sa paligid ng Metro Manila at Bulacan simula nang dumating ang mga atleta noong Agosto 20.

Bukod pa dito ang deployment ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) Philippine Red Cross (PRC) at iba pang personnel mula sa government agencies .

Kabilang sa mahigpit na binabantayan ng pulisya ang mga lugar, laro at practice venues ng mga atleta kabilang ang Araneta Coliseum, SM Mall of Asia Arena, Philippine Arena, Ultra, at Ninoy Aquino Stadium.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us