DILG Sec. Abalos, tiniyak ang hustisya sa nasawing biktima ng mistaken identity sa Navotas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na gagawin ang lahat upang makamit ang hustisya kay Jerhode Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity sa Navotas city.

Sa pagbisita ng kalihim sa burol ng biktima, tiniyak nito ang mabilis na paggulong ng imbestigasyon laban sa mga sangkot na pulis na ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

“The PNP (Philippine National Police) acted swiftly in this incident. Nakakulong na ang mga pulis na sangkot at gumugulong na ang imbestigasyon. I am a father myself at alam ko ang sakit ng mawalan ng anak kaya pangako ko sa mga magulang at kaanak ng biktima, bibigyan natin ng hustisya ito,” Abalos.

Dahil naman sa insidente, pinarerebyu muli ng DILG sa PNP ang kanilang operational procedures sa tuwing may operasyon upang hindi na maulit pa ang kalunos lunos na sinapit ng binata sa Navotas.

Aniya, magkakaroon ito ng pulong kasama ang PNP upang talakayin ang mga dapat gawin at command responsibility sa ganitong insidente.

Sa ngayon ay nakaburol pa rin sa Navotas ang labi ng biktima habang inaasahan din ang pagdating ng kanyang ina mula Qatar ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us