Dinismiss na pulis, inaresto ng IMEG dahil sa estafa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Intergrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang dating pulis sa Bacor, Cavite na may warrant sa kasong estafa.

Kinilala ni IMEG Director Police Brigadier General Warren de Leon ang arestadong pulis na si Police Staff Sergeant Joebert Balisang.

Ayon kay De Leon, dinismiss sa serbisyo si Balisang dahil sa kanyang pag-AWOL o absent without leave matapos na makaranas ng problema sa pamilya at malugi ang negosyo.

Ito ang naging sanhi ng kanyang hindi pagbabayad ng utang sa isang negosyante na nagresulta sa pagsasampa ng reklamong estafa laban sa kanya.

Sa ngayon, nakaditine ang AWOL na pulis sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Tiniyak naman ni De Leon, na patuloy na hahabulin at ikukulong ng IMEG ang mga iilang miyembro ng PNP na lumalabag sa batas.  | ulat ni Leo Sarne

📸: IMEG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us