Discount sa kuryente para sa miyembro ng 4Ps, inumpisahan na ng isang electric company

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa hangarin na maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector, nag-deploy ng kanilang personnel ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa mga barangay para tumanggap ng aplikasyon para mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law.

Ayon kay More Power President at CEO Roel Castro layon ng kanilang ginawang hakbang na matiyak na mas mapalapit sa marginalized group ang lifeline rate subsidy at marami ang maka-avail nito.

Umabot na aniya sa mahigit 1,500 applications na ang kanilang natatanggap mula sa 42 barangay.

Inabisuhan nito ng consumers na palagian lamang bisitahin ang kanilang official Facebook page para sa petsa at lugar ng barangay on-site registration.

Ang full rollout ng aplikasyon para sa subsidy ay pinalawig ng DOE hanggang sa buwan ng Setyembre dahil sa mababang turnout ng aplikasyon.

Hinimok ni Castro ang mga eligible applicant na samantalahin ang maaaring makuha na diskuwento lalo at mas pinalapit na ng More Power sa mga residente ang aplikasyon.

Samantala, nagpatupad na ng kanilang ikatlong tranch ng Bill Deposit Refund ang More Power, nasa P173,000 ang refund na ibinigay ng distribution company sa may 28 eligible consumers nito alinsunud sa itinatakda sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers.

Una nang sinabi ni Castro na hanggang sa pagtatapos ng 2023 ay nasa P5 million ang nakatakda nilang i-refund na bill deposit. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us