Diskwento Caravan, isasagawa ng DTI kasabay ng Brigada Eskwela sa Bagulin, La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaabangan na ang isasagawang Diskwento Caravan kasabay ng Brigada Eskwela 2023 sa Bagulin, La Union.

Isasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI)-La Union ang caravan na may temang “Presyong Panalo para sa Mamimiling Pilipino.”

Gaganapin ito sa covered court ng Suyo National High School sa Agosto 18, 2023 mula 8:00am hanggang 5:00pm.

Inaanyayahan ang mga learners, parents at guardians na makilahok sa caravan upang makabili ng mga de-kalidad at murang produkto na gagamitin ng mga estudiyante sa kanilang pagpasok sa paaralan sa Agosto 29, 2023. | ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us