Papahintulutan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs) na makabalik na sa bansang Myanmar matapos ibaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level sa naturang bansa.
Batay sa ibinabang DMW Advisory No. 19 ng kagawaran, maaari nang makabalik ang OFWs na may kasalukuyang kontrata sa kanilang employer sa Myanmar upang muling magtrabaho at kailangan munang dumaan sa DMW upang magparehistro.
Dagdag pa ng DMW, batay sa assesment ng DFA, ang mga lungsod ng Yangon, Nay Pyi Taw, at Mandalay ay malayo at ligtas sa kaguluhan sa naturang bansa na karamihan sa mga kababayan nating OFWs ay doon nagtatrabaho at maari nang makabalik.
Para naman sa bagong OFWs na magtatrabaho sa nasabing bansa ay pansamantalang iho-hold muna ang kanilang deployment dahil sa patuloy na assessment ng DMW at DFA sa sitwasyon doon. | ulat ni AJ Ignacio