DND, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni DMW Sec. Ople

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pakikidalamhati ang Department of National Defense (DND) sa pamilya at mahal sa buhay ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa kanyang pagpanaw kahapon.

Sa isang statement, sinabi ni DND Sec. Gilbert Teodoro na ang pagkakahirang ng kanyang kaibigang si Toots Ople bilang kauna-unahang kalihim ng DMW ay isang malaking biyaya sa bansa.

Saksi aniya ang buong bansa sa pagsisikap ni Sec. Ople na isulong ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker, at ang kanyang pagkawala ay mag-iiwan ng malaking “vacuum” sa serbisyo publiko na mahirap punuan.

Bilang pagbibigay-pugay sa matapat na serbisyo ni Sec. Ople, tiniyak ni Teodoro na patuloy na makikipagtulungan ang DND sa DMW hindi lang sa kanilang repatriation effort sa mga stranded na OFW kundi sa lahat ng pagkakataon na kailangan ang serbisyo ng DND.

Ayon kay Sec. Teodoro, Ito ang kanilang simpleng paraan para ipagpatuloy ang legasiya ni Sec. Ople. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us