DND Sec. Teodoro, nagpasalamat sa suporta ng Japan sa Arbitral Ruling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa suporta ng Japan sa arbitral ruling na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa West Philippine Sea.

Ang pasasalamat ay ipinaabot ng kalihim sa pagbisita sa Camp Aguinaldo kahapon ng delegasyon ng mga Hapones na mambabatas ng Japan-Philippines Parliamentary Friendship League (JPPFL) na pinamumunuan ni JPPFL Chairman Hon. Moriyama Hiroshi.

Sa pagpupulong ng dalawang panig, binigyang diin ni Sec. Teodoro ang kahalagahan ng rules-based international order at paggalang sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Nagpasalamat din ang kalihim sa patuloy na suporta ng Japan sa pagpapalakas ng “maritime domain awareness” at Humanitarian and Disaster Relief (HADR) capability ng Pilipinas.

Inaasahan din aniya ng Pilipinas ang tulong ng Japan sa pagsulong ng Self-reliant Defense Posture ng bansa.

Kapwa tiniyak naman ng dalawang panig ang kanilang commitment na isulong ang pagtuklas ng “areas of convergence” sa pagsulong ng economic development, disaster resilience at regional peace and stability. | ulat ni Leo Sarne

📷: Pinky Rose Fernandez/DND-DCommS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us