DOE, komited sa atas ng Pangulong Marcos Jr. na makamit ang energy targets

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Energy Secretary Raphael Lotilla na sapat ang renewable energy ng Pilipinas upang tugunan ang energy gaps sa bansa.

Ito ang inihayag ni Sec. Lotilla sa paghimay ng House Appropriations Committee sa budget ng Kagarawan sa susunod na taon.

Sa interpellation ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez kung saan tinanong nito ang energy security at kasapatan ng energy supply sa bansa.

Ayon kay Lotilla, komited ang kagawaran sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makamit ang energy targets.
Anya, magde-develop ang DOE ng mga domestic energy sources bilang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya.

Binanggit ng kalihim na kailangan i-accelerate ang pagtatatag ng ‘Offshore Wind Farms’ sa bansa na maaring mapagkunan ng enerhiya.

Sa ngayon kasi nakadepende ang Pilipinas sa power mix, o ang magkahalong coal na inaangkat ng bansa at renewable energy. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us