Target ng Department of Energy (DOE) na makumpleto ang mga ipinapatayong natural gas power plants sa pagsapit ng 2030.
Ayon sa DOE, maaari itong makalikha ng 11,248 megawatts na kuryente mula sa pitong liquified natural gas terminal.
Inaasahang makatutulong ang mga nasabing planta upang masuportahan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga power generator.
Kabilang sa mga plantang kasalukuyan nang ipinatatayo ay sa Batangas, Quezon, Bataan at iba pang bahagi ng Luzon.
Dagdag pa ng DOE, nakapagpalabas na rin sila ngayong taon ng mga permit para sa 4 na malalaking kumpanya sa bansa para sa pagpapatayo ng mga liquified natural gas terminal.
Isa rito ay natapos na noong Mayo, may isang matatapos naman na sa Setyembre at isa ang inaasahang matapos sa Disyembre ng taong kasalukuyan.
Habang ang nalalabing planta na ipinatatayo ay inaasahang matatapos sa Disyembre ng taong 2025. | ulat ni Jaymark Dagala