DOH, ginunita ang ASEAN 56th Founding Anniversary at 2023 ASEAN Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng state member ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Department of Health (DOH) ay nagdiriwang ngayong Agosto ng 56th Founding Anniversary ng ASEAN Month.

Kung saan kinilala ni Secretary Teodoro Herbosa ang marangal na gawain ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ng mga Pilipino sa rehiyon, at kasosyong Pilipino na sumuporta sa ASEAN at nag-aambag sa mga tagumpay sa buong taon, kabilang na ang mga kasalukuyang nagtatrabaho sa ASEAN Secretariat.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang Health chief sa ASEAN Health Ministers Meeting at sa Senior Officials Meeting on Health Development (SOMHD) para sa kanilang patuloy na mataas na antas ng suporta sa mga hakbangin, na pinangunahan at pinangangasiwaan ng Pilipinas.

Naglalayon ng estratehikong aksyon ang ASEAN na wakasan ang lahat ng anyo ng malnutrisyon, at sa paglaban sa antimicrobial resistance sa pamamagitan ng One Health Approach.

Ang intergovern-mental na organisasyon ay itinatag noong August 8, 1967 ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand at ngayon ay binubuo ng 10 Member States, kung saan ang Timor Leste ay malapit nang maging isang ika-11 miyembro ng estado.

Nasa ilalim ng layunin ang Health Development Agenda ng ASEAN para sa 2021-2025. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us