Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang pagpapasinaya sa Amai Pakpak Medical Center Heart Institute sa Marawi City.
Dumalo bilang panauhing pandangal si DOH Undersecretary Abdullah Dumama Jr. na kumatawan naman kay Health Sec. Teodoro Herbosa.
Sinundan naman ito ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Amai Pakpak Medical Center at Philippine Heart Center para sa pagpapanatili at pagpapaunlad sa Cardiac Management policies.
Dito, sinabi ng DOH na kanila pang paiigtingin ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo medikal partikular na ang pangangalaga sa puso gayundin ng iba pang specialty healthcare service.
Sa talumpati ni Sec. Herbosa na binasa ni USec. Dumama, sinabi nito na mahalaga ang pagpapatayo ng mga specialty healthcare center sa lahat ng rehiyon sa bansa upang maprotektahan ang mga Pilipino sa tinatawag na health risk at financial burden. | ulat ni Jaymark Dagala