Sa kabila nang pag-anunsyo ng Department of Justice ng suspensyon ng ‘revised guidelines for departure formalities’ ay binigyang diin nito na mayroon pa ring mga batas na dapat iimplementa.
Ayon sa DOJ, patuloy pa ring ipatutupad ang ‘existing immmigration procedure’ at mga kasalukuyang batas at regulasyon para sa mga aalis ng bansa.
Matatandaang pansamantalang sinuspinde ng DOJ ang kakarebisa pa lamang na guidelines para sa mga aalis ng bansa dahil na rin sa mga isyu at agam-agam na bumabalot dito.
Ayon sa DOJ, layon ng naturang panuntunan na mabigyan ng balanseng pagtingin ang seguridad ng bansa gayundin ang karapatan at kapakanan ng publiko na makapaglakbay ng malaya.
Kasabay nito ay naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangan na linawin sa publiko at maging sa mga senador ang mga isyu sa nasabing panuntunan. | ulat ni Lorenz Tanjoco