DOJ, inatasan ang Bureau of Immigration na kasuhan ang mga huwes na nagpalaya sa ilang empleyado ng ni-raid na POGO sa Las Piñas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kaso ang mga hukom na nag-utos na i-release o pakawalan ang ilang mga dayuhang empleyado ng POGO o Philippine offshore Gaming Operator firm sa Las Piñas City na ni-raid kamakailan ng mga pulis dahil sa alegasyong human trafficking.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla, apat na korte o hukuman sa nasabing lungsod ang pumabor sa “habeas corpus petitions” na inihain ng mga foreign employees at ito ay tinawag niyang “gross ignorance of the law.”

Iginiit ng kalihim, sakaling may dayuhan na nahaharap sa paglabag sa Immigration law ay dapat na isailalim sa ilang mga kondisyon bago pagbigyan ang “habeas corpus petitions.”

Ang “habeas corpus” ay isang judicial remedy o paraang ligal para atasan ang sinuman tulad ng government official o ahensya ng pamahalaang may hawak sa kustodiya ng isang tao na ipresenta sa hukuman ang suspek o petitioner at ipaliwanag ang ligal na basehan kung bakit nila ito pinipigilan o ikinustodiya. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us