Personal na ipinakita ni Department of Justice o DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla sa mga senador ang kasalukuyang sitwasyon sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sinamahan ni Remulla si Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na siyang naglatag ng mga detalye hinggil sa kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa loob ng piitan.
Sa NBP rin isinagawa ng Senate Committee on Human Rights sa pangunguna ni Sen. Francis Tolentino ang pagdinig ng senado hinggil sa mga pinakahuling nangyari sa loob ng NBP.
Kabilang dito ang pagkakadiskubre sa mga nakabaong kalansay sa mga septic tank, pagkawala ng isang inmate nito gayundin ang mga napabalitang patayan.
Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni Remulla na magandang pagkakataon na makita ng mga senador ang sitwasyon ng mga PDL sa Bilibid upang ma-justify ang pangangailangan ng karagdagang pondo para sa kawanihan. | ulat ni Jaymark Dagala