DOT, nakapagtala ng ₱286-B halaga ng tourism receipts mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang Department of Tourism ng aabot sa ₱286 bilyong halaga ng foreign tourism receipts mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang nasabing halaga ay naaayon sa 66 porsyentong ‘tourism international arrivals recovery’ ng bansa na mas mataas kumpara sa average ASEAN growth na 54% batay sa ikalawang UNWTO World Tourism Barometer on the Recovery by Region para sa unang quarter ng 2023.

Aabot naman sa 3.3 milyon ang foreign visitor arrivals sa bansa, kung saan ito ay katumbas ng 70% ng target ng ahensya na 4.8 milyon para sa taong 2023.

Sinabi rin ng Kalihim na nakikita pa rin nila ang patuloy na pagtaas ng bilang na ito habang ang bansa ay muli nang nagbubukas para sa turismo. | Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us