Upang mas mapalakas pa ang kapasidad ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagpapatrolya sa karagatan ng bansa, lumagda ng isang grant aid ang Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Japanese Embassy para sa pagbibigay ng state of the art communication satellite system sa Philippine Coast Guard (PCG).
Personal na nilagdaan nila DOTr Assistant Secretary Planning and Development Leonel Cray De Velez, PCG Deputy Commandant for Operations Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr, Ambassador of Japan in the Philippines Koshikawa Kazuhiko kasama si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa pagsaksi sa nilagdaang grant na aabot sa ₱432-million na grant sa pagbili ng state of the art communication satellite system ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay DOTr Asec. De Velez, malaking tulong ang nasabing grant aid sa pagmomodernisa ng communication ng mga barko ng PCG.
Ayon naman kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko layon ng kanilang inisyatibo na mas mapalakas pa ng Pilipinas ang pagbabantay nito sa ating teritoryo.
Dagdag pa ni Ambassador Kazuhiko na makakaasa ang Pilipinas sa pagsuporta ng bansang Japan sa pagprotekta sa karagatan ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio