DOTr, nagsagawa ng inspeksyon sa PNR kaugnay sa NSCR Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-inspeksyon ang Department of Transportation (DOTr) at mga kinatawan ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project Management Office sa buong kahabaan ng linya ng Philippine National Railways (PNR) mula Alabang hanggang Tutuban, kahapon.

Sa pangunguna ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez, ay personal na sumakay ang mga opisyal at tauhan ng DOTr sa linya ng PNR kung saan itatayo ang NSCR Project sa mga susunod na taon.

Ayon kay Usec. Chavez, ang North-South Commuter Railway Project ay magiging isa sa mga pinakamodernong rail system sa Timog-Silangang Asya na maisasakatuparan sa tulong pinansyal at teknikal na suporta mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB).

Ang 147-kilometer NSCR system na inaasahang magkakaroon ng 35 istasyon, at tatakbo gamit ang 51 train sets para sa mga pasahero, bukod pa sa pitong express train sets para sa mas mabilis na biyahe.

Ang makabagong linya ng riles ay mag-uugnay sa Greater Manila Area sa mga karatig nitong lalawigan at tinatayang gugugol na lamang ng dalawang oras na biyahe mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.  | ulat ni Manuel Francisco

📷: PNR

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us