Balak ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng karagdagan pang mga bike lane sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, makatutulong sa kalikasan ang pagkakaroon ng mga bike lane kung saan marami ang mahihikayat na mga motorista na gumamit ng active transport sa halip na mga sasakyan na pinagmumulan ng air pollution.
Target ng ahensya na makapagtayo ng nasa 2,400 kilometro na protected bike lane networks sa buong bansa pagsapit ng 2028.
Kahapon ay idinaos ng DOTr ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng mga protected bike lane sa Laoag City, Ilocos Norte kung saan maglalagay ang kagawaran ng 3.2 kilometrong bike lanes sa ilang bahagi ng Laoag By-Pass Road.
Inaasahan naman na matatapos ang proyekto sa Fourth Quarter ngayong taon na inaasahang mapapakinabangan ng libo-libong active tranport user sa Ilocos Norte. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📸: DOTr