DPWH, sinimulan na ang pag-aaral sa rightsizing ng Kagawaran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umusad na ang pag-aaral ng DPWH para sa isinusulong na programa ng ‘rightsizing’.

Pinangunahan ni Sr. Usec. Emil Sadain, Chairperson ng DPWH Overall Committee on Rightsizing ang serye ng pulong sa mga binuong sub-committee.

Layon nito na makabuo ng proposal para sa rightsized na istraktura ng kagawaran na magbibigay-daan sa mahusay na serbisyo publiko na makatwiran ang katumbas na gastos sa gobyerno.

Una nang tinukoy ng administrasyong Marcos ang National Government Rightsizing Program na kasama sa priority measure sa isinusulong na reporma sa burukrasya.

Sa sandaling matapos na ang mga rekomendasyon, ang DPWH organizational structure at staffing pattern ay isusumite sa Department of Budget and Management.

Nauna nang binatikos ng mga manggagawa ng gobyerno ang rightsizing na hahantong umano sa malawakang tanggalan sa trabaho. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us