DSWD-9, namahagi ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanguna ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 9 sa pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng nangyaring sunog kamakailan sa Tambucho Drive, Barangay Camino Nuevo, Zamboanga City.

Nasa higit 200 mga pamilya ang inilikas sa dalawang evacuation centers na nabigyan ng tulong ng naturang tanggapan.

Kabilang sa mga naipamahagi ay mga family food packs (FFPs), sleeping Kits, hygiene Kits at modular tents na pinangunahan ni DSWD-9 Regional Director Riduan Hadjimuddin kasama ang mga tauhan ng Disaster Response Management Division.

Maliban sa ipinaabot na tulong ng DSWD-9, namahagi rin ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga gayundin ang iba’t ibang mga organisasyon at mga ahensya.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang isinasagawang pagmo-monitor sa mga biktima lalo na ang mga nananatili sa mga evacuation centers para patuloy na matugunan ang kanilang pangangailangan.| ulat ni Bless Eboyan| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us