Magtutulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development at Department of Social Welfare and Development para mabigyan ng temporary shelters ang mga pamily at indibidwal na naninirahan sa mga lansangan.
Nakipagkita na si DSWD Secretary Rex Gatchalian kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at tinalakay ang probisyon ng mga housing units na maaaring gamitin bilang pansamantalang tirahan ng mga street dwellers.
Nakatakda nang lumagda sa Memorandum of Understanding sina Secretary Acuzar at Secretary Gatchalian para gawing pormal ang partnership sa pagitan ng dalawang ahensiya.
Sa panig ni Secretary Gatchalian, sinabi nito na ang mga pamilya at indibidwal na naninirahan sa mga lansangan ay mananatili sa mga temporary shelters habang pinoproseso ang paguwi nila sa mga lalawigan.
Ang hakbang na ito ng DSWD ay bahagi ng proyekto ng ahensiya na Oplan Pag-Abot Program. | ulat ni Rey Ferrer