DSWD at World Food Programme, nagsagawa ng Nutrition Education Session sa pilot beneficiaries ng Food Stamp

Facebook
Twitter
LinkedIn

Katuwang ang World Food Programme (WFP), isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang unang Nutrition Education Session sa Tondo Maynila.

Ayon sa DSWD, ito ay para sa pilot beneficiaries ng WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP).

Ang learning session ay dinaluhan ng 50 pilot beneficiaries mula sa Tondo na parehong set of beneficiaries sa pilot launch ng Food Stamp Program, noong Hulyo.

 Ayon kay DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, ang pagdalo sa Nutrition Education Sessions ay itinuturing na isa sa mga kondisyon para sa mga benepisyaryo ng FSP, upang regular silang makatanggap ng kanilang monthly food credit na P3,000.

Bukod sa edukasyon sa nutrisyon, ipinaliwanag din ni Usec. Punay na kailangan ding lumahok ang mga benepisyaryo sa skills training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pagkatapos ng aktibidad, ilalapat ng mga benepisyaryo ang kaalaman na kanilang nakuha sa learning session para makabili ng mga masusustansyang pagkain mula sa mga stall ng Kadiwa ng Pangulo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us