DSWD, nagkasa ng ECT payout para sa mga biktima ng bagyong Egay sa Cagayan at Central Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kahit holiday, tuloy ang pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development para sa mga biktima ng nagdaang Bagyong Egay.

Nagsagawa ngayong araw ang DSWD ng simultaneous payout ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa ilang lugar sa Cagayan Valley at Central Luzon.

Kabilang sa nakinabang dito ang nasa 203 residente ng Bulala Sur sa Aparri, Cagayan.

Nabigyan din ng cash aid ang mga apektado ng kalamidad sa Bulacan at Pampanga.

Inaasahan ng kagawaran na makatutulong ang ECT para sa mabilis na pagbangon ng mga naapektuhang residente at para na rin sa pagsasaayos ng mga nasirang tahanan.

Una nang iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mabilis na usad ng distribusyon ng ECT sa mga naapektuhan ng super typhoon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us