Sumampa pa sa ₱315-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng Habagat at Super Typhoon Egay.
Kabilang sa nahatiran ng tulong ang mga apektadong residente mula sa higit 5,000 barangay sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, XI, XII, CAR, at NCR.
Ayon sa DSWD, kasama rito ang nasa ₱144-milyong halaga ng relief aid gaya ng family food packs at non-food items, at ₱104-million cash assistance na nailaan na para sa mga sinalanta sa Ilocos Region.
As of August 6, aabot pa sa higit 7,000 pamilya o katumbas ng 28,143 na indibidwal ang nasa mga evacuation center.
Mayroon ding 47,000 pamilya ang pansamantalang nakikitira muna sa kanilang nga kaanak.
Pagtitiyak naman ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na makaaasa ang mga inilikas na pamilya na patuloy silang aalalayan ng ahensya hanggang sa tuluyang makabangon.
“We will assist the families on their way to recovery in keeping with the marching order of President Ferdinand R. Marcos Jr. that no disaster-affected families should go hungry,” pahayag ni Asec. Lopez. | ulat ni Merry Ann Bastasa