DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱70-M ayuda sa mga sinalanta ng habagat na pinaigting ng Bagyong Falcon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa higit ₱70-milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng pananalasa ng habagat na pinaigting pa ng Bagyong Falcon.

Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa higit 1,000 apektadong barangay mula sa Region 3, CALABARZON, at Region 6.

As of August 3 naman, umakyat pa sa higit 633,162 pamilya o 2,291,381 na indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.

Mayroon pa ring 8,943 pamilya o 31,822 indibidwal ang inilikas at ngayo’y nananatili sa evacuation center.

Una na ring pinamamadali ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagdi-dispatch ng food packs para sa mga binaha sa mga lalawigang naapektuhan ng habagat. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us