DSWD, namahagi ng socio-economic aid sa mga dating MILF combatants sa Sultan Kudarat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng transitory cash assistance sa mga decommissioned combatant’s ng Moro Islamic Liberation Front.

Ang pamimigay ng tulong ay ginawa sa pagpapatuloy ng Phase 3 Decommissioning ng mga miyembro ng MILF sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Personal na iniabot ni Secretary Gatchalian ang P100,000 cash aid sa bawat MILF combatant na sumailalim sa decommissioning process ng Independent Decommissioning Body.

Ayon sa DSWD ang Phase 3 Decommissioning, na ipinagpatuloy nitong Agosto, ay naglalayong iproseso ang ilang 1,301 MILF combatants sa loob ng buwan.

Mula noong 2015, nakapagbigay ng P2.48 bilyon na tulong pinansyal ang DSWD sa may 24,844 MILF decommissioned combatants. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us