Kabuuang 5,922 pamilya na apektado ng pagbaha sa Northern Mindanao ang nakatanggap na ng bayad mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD-Northern Mindanao,ang mga benepisyaryo na karamihan ay mga magsasaka ay lubhang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng inter-tropical convergence zone (ITCZ).
Binigyan sila ng trabaho ng DSWD sa ilalim ng Cash-For-Work program.
Bawat isa ay binayaran ng P5,670 para sa 14 na araw o P405 kada araw na sahod mula sa kabuuang pondo na P33,577,740.
Ginawa ito ng DSWD upang matulungan sila sa kanilang pangangailangan habang hinihintay na makabangon sa epekto ng kalamidad.
Pagtitiyak pa ng DSWD Regional Office na may kasunod pang Cash-For-Work payouts sa mga susunod na linggo para sa iba pang benepisyaryo sa Mindanao. | ulat ni Rey Ferrer