DTI Chief, binigyang diin ang globalization ng MSMEs sa pagsusulong ng export-oriented economy ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang mga programa ng kagawaran para sa mga micro, small, at medium enterprises sa isinagawang post-SONA Economic Briefing sa Davao City.

Ilan sa mga programa ng DTI ay ang pagkakaroon ng mga shared service facilities bilang paraan ng pagpapakilala ng teknolohiya sa mga negosyo, kung saan napapabuti nito at naipapakilala ang produkto ng MSMEs.

Binanggit rin ni Secretary Pascual ang misyon ng pamahalaan na isulong ang business ecosystem sa lugar sa pamamagitan ng pagtutulak ng free trade agreement at digitalization.

Ayon pa sa Kalihim, nakikita nila ang Mindanao bilang stategic location para sa MSMEs para sila ay umasenso dahil sa gumagandang business environment sa lugar.

Sa pagtatapos ng nasabing briefing ay binanggit ni Pascual na magiging pangunahing benepisyaryo ang Mindanao sa paparating na Free Trade Agreement kasama ang South Korea, kung saan mailalagay sa competitive position ang banana export ng rehiyon. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us