DTI, nagpatupad ng price freeze sa mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin at serbisyo sa ilang bahagi ng Central Luzon na sinalanta ng nagdaang bagyong Egay.

Sinabi ng DTI na ang price freeze ay tatagal ng 60 araw sa mga sumusunod na lugar:

  • Pampanga
  • Bulacan
  • Bataan
  • Zaragoza, Nueva Ecija,
  • Camiling, Tarlac
  • Paniqui, Tarlac

Isinailalim na sa State of Calamity ang nasabing mga lugar kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay at southwest monsoon o habagat.

Samantala, hinikayat ng DTI ang publiko na iulat ang mga lumabag sa price freeze sa 1-DTI (1-384) o [email protected]. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us