DTI Secretary Alfredo Pascual, binigyang diin ang kahalagahan ng economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng Estados Unidos, bilang mahalagang trade at investment partner ng ASEAN.

Sa naging ASEAN Economic Ministers-United States Trade Representative Consultations sa Semarang, Indonesia, kinilala ni Pascual ang halaga ng ASEAN-US Trade and Investment Facilitation Agreement at Expanded Economic Engagement Initiative Work Plan, para maisulong ang nasabing partnership.

Binigyang diin rin ng kalihim, ang lumalaking bilang ng mga multinational enterprise na nais mamuhunan sa rehiyon lalo na sa larangan ng climate change at environment.

Maituturing na isa sa pinakamahalagang trading at investment partner ng Pilipinas ang Estados Unidos.

Tiwala ang kalihim na magiging pangunahing investment destination ng mga US investor ang Pilipinas sa Timog Silangang Asya. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us